Pasaherong nagbantang magpapasabog ng eroplano, arestado sa NAIA 2

Arestado ng Philippine National Police-Aviation Security Unit (PNP-AVSEU) ang isang pasaherong na-late sa kanyang flight na patungo sana ng Bacolod.

Ito ay matapos itong magbitaw ng mga katagang, “Sarap pasabugin ng eroplano n’yo.”

Ayon sa PNP-AVSEU, nagalit ang suspek na si Lester Morales matapos siyang payuhan ng airline crew na magpa-rebook na lamang siya ng ticket dahil nakaalis na ang eroplano na kanya sanang sasakyan.


Inawat pa sana siya ng ground staff nang sabihan nito si Morales na “Alam n’yo po ba na bawal ‘yang sinasabi mo?”

Sumagot naman ang suspek na “Huwag mo akong maano-ano dyan ha, itong mainit ang ulo ko,” sabay umalis ng check-in counter ang suspek.

Bunga nito, tumawag sa mga awtoridad ang airline staff at naaresto ang suspek.

Facebook Comments