Unti-unti nang bumubuhos ang mga pasahero sa mga bus terminal sa lungsod ng San Carlos kasabay na rin ng pagtatapos ng Semana Santa.
Ayon kay Henry Merrera, ang bus dispatcher ng isa sa mga bus terminal sa lungsod, karamihan sa mga pasahero ay babalik na sa kanilang mga trabaho sa Metro Manila at karatig na lugar.
Dahil na rin sa dami ng bilang ng mga biyahero sinabi pa ni Merrera na mas maikli na ang kanilang ipinatutupad ngayong time interval. Ayon pa sa kanya kung sa dating nasa 30 to 40 minutes ang pagitan ng bawat biyahe, ngayon ginawa na nilang 20 to 25 minutes.
Tiniyak din ng pamunuan ng bus company na nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga bus maging ng mga driver at konduktor.
Samantala upang mas matugunan ang bultong bilang ng mga biyahero, nagdagdag na rin ang LTFRB ng mahigit isang libong special bus permits sa buong bansa na pinapayagaang makabiyahe sa ibang mga ruta.Labing apat naman na special permit naman ang inissue ng LTFRB sa nasabing bus terminal
Inaasahan na mula linggo hanggang lunes ng madaling araw ay mas dadami pa ang mga pasahero say pagtatapos na din ng Semana Santa.
Samantala, pinapayuhan naman ng mga otoridad ang lahat ng mga pasahero na mag ingat gayon din ang mga bibiyahe gamit ang private vehicles.
Photo Credit: PNP San Carlos City Pangasinan
Pasaherong pabalik ng Manila dagsa na sa San Carlos City Pangasinan Terminal
Facebook Comments