Pasaherong Pinoy, Sugatan Sa Pagsabog Sa Pudong International Airport Sa Shanghai, China

8

SHANGHAI, CHINA – Isang Pinoy at dalawang Chinese ang sugatan sa pagsabog na naganap sa Pudong International Airport sa Shanghai, China.Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, itinapon ng suspek ang isang home-made explosive malapit sa terminal 2 ng paliparan.Pagkatapos umanong ihagis ng lalaki ang pampasabog ay agad nitong inilabas ang isang kutsilyo at nilaslas ang sariling leeg.Batay sa ulat ng official Xinhua News Agency, isa sa mga biktima ang pinaniniwalaang may kagagawan ng pagpapasabog.Agad namang dinala sa ospital ang tatlong hindi pinangalanang biktima gayundin ang suspek.Sa ngayon, itinaas ang major security alert sa paliparan matapos ang pagsabog.

Facebook Comments