Pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong semana santa, dagsa na sa mga bus terminal

Nagsimula nang dumagsa ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para gunitain ang Semana Santa ngayong Martes Santo.

Ayon sa pamunuan ng Araneta Center Bus Terminal, aabot na sa 7,000 ang umuwing mga pasahero sa mga probinsya, araw pa lang ng Lunes.

Halos doble na ito sa karaniwang bilang ng mga pasahero na bumabyahe kada araw.


Samantala, nagsagawa naman ng breath analyzer test ang mga tauhan ng MMDA sa mga bus driver sa Araneta Center Bus Terminal para masiguro na hindi nakainom ng alak ang mga ito bago bumiyahe sa iba’t ibang probinsya.

Sa Miyerkules at Huwebes, inaasahang mas dadagsa pa ang mga pasahero sa bus terminal dahil ito ang huling araw ng trabaho bago ang long weekend.

Kaugnay nito, nagdagdag naman na ang pamunuan ng NLEX, SCTEX at SLEX ng toll tellers at patrol crews para sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga motorista.

Muli ring nanawagan ang pamunuan ng NLEX/SCTEX sa mga motorista na ikondisyon ang kanilang mga sasakyan pati na ang sarili sa pagbiyahe ngayong Semana Santa.

 

Facebook Comments