Wala pang sapat na dahilan ang transport group na Pasang Masda upang ibaba ang minimum fare sa mga jeep.
Ito ay kahit pa tatlong sunod na linggo nang nagpatupad ng rollback sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pasang Masda President Ka Obet Martin na mahigpit pa nilang imo-monitor ang presyuhan ng produktong petrolyo ng ilang linggo bago sila magdesisyon.
Katwiran ni Martin, hindi pa kasi nila nakikita na stable o magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Pero pagtitiyak ni Martin, sa sandaling maging stable na ang presyo ng langis ay sila mismo ang maghahain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang ibalik sa dose pesos ang minimum na pasahe sa jeep.
Oktubre ng aprubahan ng LTFRB ang pisong provisional increase sa pasahe sa jeep dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.