Pasaring ni SP Escudero na dinidiktahan ni Speaker Romualdez ang mga kongresista, pinalagan

Pumalag si Bataan Rep. Geraldine Roman sa pasaring ni Senate President Francis Chiz Escudero na dinidiktahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga kongresista kaugnay sa isyu ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Roman, walang basehan ang pahayag ni Escudero laban kay Speaker Romualdez na kung tutuusin ay tahimik sa isyu ng impeachment laban kay VP Sara.

Sabi ni Roman, noong nakaraang araw lamang nagsalita si Romualdez at mensahe nya hintayin ang desisyon ng Senado ukol sa impeachment.

Kaugnay nito ay nanawagan si Roman kay Escudero na sundin ang konstitusyon na nagsasabing mandato ng Senado na umakto bilang impeachment court at agarang isagawa ang proseso ng impeachment.

Facebook Comments