PASASALAMAT | Mga sundalo, libre ang sakay sa LRT 2

Manila, Philippines – Malilibre sa pagsakay sa loob ng isang taon sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay bilang pasasalamat sa mga sundalong lumaban sa giyera sa Marawi City.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at ng AFP na epektibo na ngayong buwan ng Enero at tatagal hanggang December 2018.


Kailangan lang ipakita ng mga sundalo ang kanilang identification card sa teller sa ticket booth o sa ibang tauhan ng LRT sa mga istasyon ng tren para mai-avail ang libreng sakay.

Facebook Comments