WALANG EMPLOYMENT VISA | 19 na Russian national na ilegal na nagtatrabaho sa bansa, ipapa-deport ng Bureau of Immigration

Pampanga – Ipinade-deport ng Bureau of Immigration ang 19 na babaeng Ruso na naaresto sa isang club sa Clark, Pampanga dahil sa kawalan ng employment visa.

Maliban sa mga Ruso, inaresto din ang dalawang Korean nationals na sina Jeong Seonghun at Lee Kyurak na nagta-trabaho bilang cashier at manager sa sinalakay na club angel sa Pampanga.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ‘overstaying’ na ang dalawang Korean national sa bansa kasama ang inarestong 19 na mga babaeng Ruso.


Pansamantala namang nakaditine ang nasabing mga dayuhan sa detention facility ng immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Facebook Comments