PASAWAY | 13 personalidad inaresto ng Marikina Police dahil sa iba’t-ibang mga paglabag sa Marikina City

Marikina City – Pinagdadampot ng Marikina City Police Station ang 13 na
personalidad under the direct supervision matapos na magsagawa ng simultenous
anti criminality law enforcement operation sa iba’t-ibang lugar sa Marikina
City.

Ayon kay Police Senior Superintendent Roger Quesada, ang mga naaresto ay
lumabag sa iba’t-ibang ordinansa gaya ng smoking in public place, drinking
in public place at iba’t-iba pang mga paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Paliwanag ni Quesada nais nilang iparating sa publiko na seryoso
angMarikina Police sa kanilang kampanya hindi lamang sa ilega na droga
bagkus maging ang mga paglabag sa mga ordinansa ay mahigpit din
ipinatutupad ng mga awtoridad.


Dagdag pa ng opisyal tuloy tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga
lumalabag sa ordinansa sa lungsod upang ipakita sa publiko na seryoso ang
Marikina Police na maging disiplinado ang mga mamamayan ng Marikina City.

Facebook Comments