PASAWAY | 209 na indibidwal, nahuli sa buong magdamag dahil sa paglabag sa mga ordinansa

Nasa 209 na indibidwal ang naaresto ng Southern Police District (SPD) sa nakalipas na magdamag, makaraang magsagawa ng magkakahiwalay na operasyon.

Sa bilang na ito, 36 ang nahuli dahil sa pag-iinuman sa pampublikong lugar, 66 ang dinampot dahil sa paglabag sa smoking ban, 11 ang walang damit pang-itaas, 95 ang menor de edad na lumabag sa curfew at 1 ang illegal vendor.

Pagmumultahin ang mga nahuling lumabag sa city ordinance, depende sa kung ilang beses at bigat ng kanilang paglabag.


Sumailalim na rin ang mga ito sa identity verification, habang ipinatawag naman ang mga magulang ng mga menor de edad.

Facebook Comments