TIMBOG | Dalawa, arestado dahil sa iligal na droga sa Taguig

Taguig City – Arestado ang dalawang indibidwal Sacolorado Street, Napindan, Taguig City dahil sa iligal na droga.

Kinilala ang mga suspect na sina Haron Kasan, 52-anyos at Alec Makalay, 34-anyos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang mga police sa nabanggit na lugar nang mamataan ang mga suspect.


Nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito ang limang sachet ng hinihinalang shabu.
Sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga ito, na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments