PASAWAY | 232 na indibidwal, nahuli sa buong magdamag dahil sa paglabag sa city ordinances

9

Nasa 232 mga indibidwal ang dinampot ng Southern Police District (SPD) sa nakalipas na magdamag dahil sa iba’t-ibang mga paglabas.

Base sa datos ng SPD, 116 sa mga ito ay mga menor de edad na lumabag sa itinakdang curfew, 84 ang lumabag sa smoking ban, 19 ang mga nahuling umiinom sa pampublikong lugar, 8 ang walang damit pangitaas, 3 ang umihi sa pampublikong lugar at 1 naman ang nagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan.

79 sa mga nahuli ay pinagmulta ng pulisya, 149 naman ang binigyan ng warning, habang apat naman ang sinampahan ng kaso dahil sa paulit-ulit na paglabag.

Facebook Comments