PASAWAY | 78 indibidwal, naaresto ng MPD sa nakalipas na magdamag ngayong araw

Manila, Philippines – Nasa 78 indibidwal ang naaresto ng Manila Police District (MPD) sa nakalipas na magdamag, dahil sa magkakahiwalay na anti criminality campaign na ikinasa ng pulisya, sa kahabaan ng Vitas at Peñalosa sa Tondo, Maynila.

Base sa datos ng MPD, 8 sa mga ito ay naaresto dahil sa iligal na droga, 19 ang lumabag sa city ordinance, 1 ang nahulihan ng armas, habang 50 naman ang inaresto dahil sa iba pang paglabag.

Nasa 50 mga sasakyan rin ang na-impound sa nasabing operasyon.


Hinahainan na ng kaukulang kaso ang mga nabanggit na indibiwal.

Facebook Comments