Manila, Philippines – Nasampolan ang apat na tao matapos lumabag sa ipinatutupad na liquor ban sa Barangay Pinyahan, Quezon City
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Adrian Palasigue 21 anyos,
Honey Tan 21-anyos, John Rey Legarda 19-anyos at Raul Aguirre 20-anyos.
Ayon sa Quezon City Police, nagsasagawa sila ng oplan galugad kaninang madaling raw nang maaktuhan nila ang apat na nag-iinuman sa nasabing lugar.
Agad na pinag-dadampot ang mga ito at itinurn-over sa istasyon para kasuhan ng paglabag sa city ordinance at omnibus election code.
Nakuha mula sa kanila ang isang bote ng gin, isang bote ng brandy, pichel at ilang mga baso.
Sa ilalim ng ipinatutupad na liquor ban, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.