TRENDING | Sikreto sa mas seksing si Jessy Mendiola, alamin

Manila, Philippines – Trending ang mga sexy photo ni Jessy Mendiola na nakikisabay sa init ng panahon sa mga beach dates nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Mapapansin kasi na malaki na ang ipinayat ng aktres kaya mas lalong humubog ang kaseksihan nito.

Sabi nga ng ibang netizen, mas may ‘k’ raw ito ngayong tawaging FHM Philippines sexiest woman at for sure na walang tututol di gaya noong nangyari last 2016.


Ayon kay Jessy, mas madali siyang mag pa-sexy ngayon dahil mas naging kalmado siya at hindi nagpapa-pressure sa sinasabi ng ibang tao.

Bukod dito, makikita rin na mas confident siya ngayon at mas mukang happy sa life niya.

Facebook Comments