PASAWAY | Halos 20,000 indibidwal lumabag sa ibat-ibang city ordinance – NCRPO

Manila, Philippines – Pumalo na sa 18,763 mga indibidwal ang lumabag sa ibat-ibang ordinansa ng lungsod ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kabilang na dito ang nag-iinom sa mga pampublikong lugar, naninigarilyo sa hindi designated areas at paglabas ng mga kalalakihan ng walang damit pang itaas.

Ito ay kasunod ng dalawang linggong pagpapaigting sa pag-aresto sa mga lumalabag sa city ordinance.


Sa datos ng NCRPO mula Hunyo a-13 hanggang Hunyo a-28 nasa:

Drinking in public places
Total: 3,323

Smoking ban
Total: 4,679

Half naked
Total: 2,815

Minors violating curfew hours
Total: 3,756

Other ordinances
Total: 4,190

Grand total: 18,763

Pero ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar bumaba na ang bilang mga nakakulong.

Ito ay dahil mula sa 18,763 na lumabag sa ibat-ibang ordinansa 9,308 dito ang pinagsabihan lang ng mga otoridad, 5,904 ang nakapag pyansa na habang nasa 3525 naman ang tuluyan nang kinasuhan.

Kaugnay nito, sa ngayon nasa 240 na lamang aniya ang nasa kustodiya ng mga otoridad.

Sa nasabing bilang 94 ang hawak ng MPD, 49 ang nasa SPD at 97 ang nasa kustodiya ng QCPD.

Facebook Comments