Taguig City – Arestado ang ilang wanted person at mga lumabag sa city ordinance sa ikinasang anti-criminality law enforcement operation sa Taguig City.
Sabay-sabay inikutan ng mga pulis ang ilang barangay at eskenita kung saan 24 na tao ang inabutang nag iinuman sa kalsasa at 38 naman ang lumabag sa curfew hours.
Labing isa din ang nahuling nagyo-yosi sa pampublikong lugar at tatlo wanted person ang kanilang nahuli.
Layunin ng operasyon na mabawasan ang mga naitatalang krimen sa pamamagitan ng police visibility at pag-arestao sa lumalabag sa mga ipinapatupad na city ordinance.
Facebook Comments