PASAWAY | Mga kotong COP, bilang na ang mga araw ayon sa pinuno ng PNP-HPG

Manila, Philippines – Aminado si PNP-Highway Patrol Group Director Chief Superintendent Arnel Escobal na may ilan talagang pasaway sa kanilang hanay.

Kasunod ito ng pagkakasangkot sa pangongotong ng officer in-charge ng Region 10 highway patrol unit na si Police Superintendent Hersan Mojica.

Sa interview ng RMN Manila kay Escobal, sinabi niyang matagal na itong problema sa lugar kung saan kaparehas din na reklamo ang kinasangkutan ng dating nakaupo dito.


Aniya, may ganitong rin sumbong mula sa Region 9 at 12 kaya magpapa-ikot siya ng tauhan na tututok dito.

Babala ni Escobal, kapag hindi sila umayos may mga susunod pang masisibak.
Samantala, kakasuhan at posibleng masibak ng tuluyan ang grupo ni Mojica na nangotong sa isang motorista sa Iligan City.

Facebook Comments