BALIK LOOB | Kampanya ng pamahalaan laban sa teroristang NPA, posibleng matapos na sa susunod na taon – P-Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na sa susunod na taon ang kampanya ng militar laban sa teroristang New People’s Army (NPA).

Ayon kay Pangulong Duterte, tiwala siyang mawawakasan na ang gulo sa NPA lalo na at patuloy na hinihimok ng gobyerno ang mga rebelde na sumuko at magbalik muli sa pamahalaan.

Tiniyak din ng Pangulo ang livelihood at immediate assistance sa mga rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan.


Bukod dito, binigyan din sila ng P115,000 kapalit ng mga armas na isinuko nila.

Nabatid na sa loob lamang ng 2 buwan ay pumalo na sa 2,263 ang bilang ng mga miyembro at taga suporta ng NPA na sumusuko sa pamahalaan.

Samantala, patay ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bakbakan sa pagitan ng mga otoridad na nagsimula pa kahapon sa Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao.

Naka-engkwentro ng mga tauhan ng 2nd mechanized battalion ng Philippine Army ang nasa 50 miyembro ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ng isang “Kumander Peni”.

Facebook Comments