PASAWAY | Mga lumalabag sa iba’t-ibang ordinansa pumalo na sa higit kalahating milyon – NCRPO

Patuloy na nadadagdagan ang mga lumalabag sa iba’t ibang ordinansa sa kalakhang Maynila.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula June 13 hanggang December 11, 2018.

Umaabot na sa 26,816 ang nahuling nag-iinom sa mga pampublikong lugar, 152,933 ang lumabag sa smoking ban habang nasa 34,566 yung mga nakahubad o walang damit pang itaas at nasa 35,181 naman ang mga menor de edad ang lumabag sa curfew hours at 319,725 ang lumabag sa iba pang ordinansa.


Sa kabuuan sumampa na sa 569, 221 ang mga indibidwal ang inaresto ng mga otoridad dahil sa paglabag sa iba’t ibang city ordinances.
37,048 ay mula sa NPD, 115,099 -EPD, 47,616-MPD, 35,152-SPD at 334,306- QCPD.

Facebook Comments