PASAWAY | Mga naarestong violator ng mga ordinansa sa Metro Manila, pumalo na sa mahigit 78,000

Manila, Philippines – Pumalo na sa 78,359 ang naaresto ng NCRPO sa kampanya nito kontra tambay na may paglabag sa mga ordinansa ng mga lungsod sa Metro Manila.

Ang nasabing bilang ay naitala mula June 13 hanggang Sabado ng umaga.

Pero paglilinaw ni NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, 17 lang sa kanila ang nakakulong.


Karamihan o 35.7 percent sa mga nasita ay dahil sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sinundan ito ng mga menor de edad na nahuli dahil sa paglabag sa curfew.

Samantala, 45.17 percent o mahigit 35,000 sa mga nahuli ay mula sa Eastern Police District (EPD) na binubuo ng Pasig, Marikina, San Juan at Mandaluyong.

Facebook Comments