SUPORTADO | Mga recruitment agency suportado ang lahat ng mga programa ni Labor Sec. Silvestre Bello

Manila, Philippines – Nagpahayag ng buong suporta ang mga recruitment agencies sa lahat ng mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa pagpapaalis ng mga OFW sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Coalition of License Agencies for Domestic and Services Workers Inc.ChairmanThelma Wanang lahat ng 20 Countries Specific Association na kanilang kasapi ang nagpahayag ng buong suporta sa lahat ng mga programa ni Bello para na rin sa kapakanan ng mga OFW.

Nilinaw ni Wanang na posibleng epekto ng mahigpit na ipinaiiral na batas ng DOLE kaya at umaalma ang ilang mga recruitment agencies sa mga patakaran ng ahensiya.


Paliwanag ni Wanang na wala silang nakikitang masama sa ipinatutupad ng kalihim sa mga recruitment agencies dahil sa tingin nila ay ikabubuti ito sa kapakanan ng nakararaming OFW.

Natutuwa aniya sila sa ipinakitang suporta ng kalihim sa kanilang hanay dahil ngayon lang umano sila nakaranas na isang opisyal ng gobyerno na sumusuporta sa kanilang mga programa para sa ikabubuti ng mga OFW.

Facebook Comments