PASAWAY | Mga nahuhuli sa no contact apprehension policy, parami ng parami

Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang nahuli cam o lumabag sa no physical contact apprehension ng MMDA.

Base sa enforcement ng no contact apprehension, umakyat na sa 539,022 ang mga violator as of January 1, hanggang November 30, 2018.

Malaking prosiento ng mga violator ay Public Utility Vehicles (PUV) o yung mga bus, jeep at taxi.


Ang no contact traffic apprehension ay isang patakaran na gumagamit ng CCTV, digital camera at iba pang mga gadget o teknolohiya upang makuhanan ng video at mga larawan, na ginagamit na basehan sa panghuhuli ng mga sasakyan na lumalabag sa batas trapiko, patakaran at regulation.

Facebook Comments