PASAWAY | MIAA, OTS – magsasagawa ng joint investigation kaugnay sa insidenteng kinasangkutan ni Bertiz

Manila, Philippines – Magsasagawa ng joint investigation ang Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority at Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng kinasasangkutang insidente na si ACTS-OFW Representative John Bertiz.

Ayon kay Jonathan Maliwat, pinuno ng public affairs division ng OTS, nakausap na nila ang security officer na si Jamille Ton Abdul.

Gayunman, tumanggi si Maliwat na idetalye ang mga pahayag ni Abdul.


Sabi ni Maliwat, na-i-turn over na nila sa investigating team ang mga kopya ng CCTV sa screening area ng NAIA.

Facebook Comments