PASAWAY | MMDA nagpasaklolo sa HPG

Manila, Philippines – Humingi ng tulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa mga tauhan ng PNP-HPG.

Ito ay may kaugnayan sa pagpapatrolya at pag tingin kung sinusunod ba ng 5 bus companies sa Pasay ang closure order.

Kahapon, ikinandado ng MMDA ang limang bus companies na kinabibilangan ng Maria Victoria Transit, St. Jude/Peñafrancia Transport Inc., A. Aranda Line, Bobis Transit at RMB Transport System dahil sa paglabag sa “nose in nose out policy”


Ayon kay Garcia, hiningi nila ang tulong ng PNP-HPG dahil malapit ang mga ito sa mga nabanggit na bus terminals.

Kulang kasi aniya ang kanilang mga tauhan para bantayan ang bawat estasyon ng bus isama pa ang pagmamando ng trapiko at ang kanilang ginagawang kaliwat kanang clearing operations.

Paliwanag naman ni MMDA Supervising Officer Bong Nebrija hindi maaaring mag operate ang 5 nabanggit na bus terminals hanggat wala silang garahe kung saan pwedeng magmani ubra ang kanilang mga bus na hindi nakakasagabal sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa Pasay.

Facebook Comments