Manila, Philippines – Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaling manghuli ng mga colorum na driver ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) gayan ng Grab at Uber.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, mumultahin nila ng 120,000 pesos at tatlong buwang pagkaka-impound ng sasakyan.
Nabatid na inamin ng Uber at Grab na walang Provisional Authority (PA) ang karamihan sa mga bumibiyahe nilang transport service kaya pinatawan sila ng tig-limang milyong pisong multa ng LTFRB.
Nilinaw ng LTFRB na hindi suspendido ang operasyon ng mga TNVS kahit napaso na ang mga accreditation ng Grab nitong habang sa susunod na buwan naman ang sa Uber.
Facebook Comments