Pwersa ng mga terorista sa Marawi, patuloy na humihina ayon sa AFP

Manila, Philippines – Patuloy na humihina ang pwersa ng mga terorista sa Marawi City.

Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson Lt/Col. Jo-Ar Herrera – nababawi na nila ang mga lugar na pinagkukutaan ng mga terorista.

Aniya, higit 50 gusali pa ang kanilang nabawi sa kamay ng mga kalaban.


Bukod dito, nakaka-rekober pa sila ng matataas na kalibre ng armas.

Dagdag pa ni Herrera, nagkakaproblema na rin sa pamumuno ang mga terorista.

Tiniyak naman ng militar na maayos ang lagay ng mga sundalo at naibibigay ang kanilang pangangailangan.

Facebook Comments