PASAWAY | Pulis, bugbog sarado matapos magpaputok ng baril

Manila, Philippines – Arestado ang isang bagitong pulis matapos magpaputok ng baril sa ere habang nakikipag-inuman sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng pulis na si PO1 Louiejo Badajos na nakadestino sa Makati City.

Ayon kay Senior Inspector Edwin Fuggan, ng MPD Station 4, agad kinuyog ng mga residente ng Barangay 411 ang suspek dahil na rin sa takot matapos itong magpaputok ng baril.


Giit naman ni Badajos, nagkatuwaan lang sila ng kaniyang kainuman.

Nahaharap ang suspek sa reklamong illegal discharge of firearms.

Facebook Comments