kinumpirma ng Pasay City General Hospital (PCGH) na umabot na sa 103% ang kanilang COVID-19 bed occupancy.
Sinabi ni Dr. Jonvic De Gracia na magdadagdag sila ng kama dahil marami pa ring COVID patients ang dinadala sa kanilang ospital.
Plano rin aniya nilang gamitin na ang buong ika-apat na palapag ng PCGH para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Aminado naman si Dr. De Gracia na hirap na sila sa sitwasyon ng kanilang manpower at logistics
Sa kabila nito, patuloy pa rin aniya silang tatalima sa kautusan ng Inter-Agency Task Force na itaas sa 50% ang kanilang COVID-19 occupancy.
Facebook Comments