Nag-abiso ang pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) na hindi na ito tatanggap ng mga COVID-19 related cases.
Nitong 7:30 ng umaga, tinatayang umabot na sa 100% ang occupancy rate ng ospital.
Punuan na ang mga kama nito nakalaan para sa mga COVID-19 patients kabilang dito ang Intensive Care Unit (ICU) and Pedia Beds.
Lahat ng Emergency Isolation Rooms at Anteroom ay fully utilized na.
Hindi na tatanggap ang ospital ng COVID at NON- COVID patients maliban kung ito ay extreme emergencies.
Humingi naman ng pang unawa ang pamunuan ng ospital at pinayuhan ang mga COVID-19 patients na magpagamot na lang sa One hospital Command Center sa Philippine International Convention Center (PICC).
Facebook Comments