Nagbabala ang Pasay City government sa kanilang constituents laban sa mga nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay matapos ang mga impormasyong may nangyayaring iligal na pagbebenta ng bakuna.
Batay sa impormasyon ng Pasay City Information Office, libre ang bakuna na bahagi ng Vaccination Program ng gobyerno.
Prayoridad aniyang mabakunahan sa ngayon ang mga kwalipikadong indibidwal mula sa Pasay City batay sa kategoryang inihanda ng Department of Health (DOH).
Hinihikayat ng Pasay LGU ang kanilang constituents na i-report sa kanila kung may impormasyon ng bentahan ng bakuna.
Ang Pasay City COVID -19 hotline numbers aniya ay 0956 778 6542 sa globe habang sa smart ay 0908 993 7024 at maari rin mag-register sa Pasayemi.ph.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang Pasay City LGU sa pagbabakuna sa senior citizens at adults with comorbidities.