Malugod na ibinalita ng Lokal na pamahalaan ng Pasay na wala muli itong naitala na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Sa ngayon ay apat na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Base sa impormasyon mula sa Pasay Public Information Office, ang naturang apat na aktibong kaso ng COVID-19 ay nasa Barangay 40, 101, 183, at 187.
Gayunpaman, mahigpit ang paalala ng Pasay Local Government Unit (LGU) na patuloy na magsumikap na masugpo at maiwasan ang pagkalat ng virus at iba pang sakit sa ating komunidad.
Ayon sa Lokal na pamahalaan, makakamit ito sa pamamagitan ng minimum public health standards tulad ng E.M.I. Habit:
E- Ensure to always wash your hands;
M- Mask and face shield are a must; at
I- Implement physical distancing.
Binanggit din ng Pasay LGU ang kahalagahan na masigurong may maayos na ventilation.