Pasay City patuloy ang mga ginagawang mga paraan para bumaba ang kaso ng COVID-19 sa lungsod

Patuloy lang ang mga ginagawang paraan ng Pasay City para mas mapababa pa ang bilang ng COVID cases sa lungsod.

Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, tuloy ang kanilang aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, Isolation and Treatment at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Hinihingi rin ng Pasay Local Government Unit (LGU) ang kooperasyon at pakikiisa nang kanilang mga residente para mapigilan ang pagkalat ng virus.


Pinapagawa nila sa kanilang mga residente ang EMI habit o E- ensure to always wash your hands, M- Mask and Faceshield are a must at I-Implement physical distancing.

Samantala, ngayong araw nakapagtala na ang Pasay City ng 21,650 total confirmed cases matapos madagdag ang 17.

Habang umabot na sa 20,888 na Pasayeños ang gumaling matapos madagdag ang 36.

Facebook Comments