Tumaas pa ang bilang ng mga bangkay na ikini-cremate sa Pasay City Public Cemetery and Cremation.
Ito ay bunsod pa rin ng pagdami ng bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19, ito ay ayon kay Laura Leonen, Officer-in-Charge ng pasilidad.
Mula sa 16 na bangkay ay tumaas sa 30 ang mga bangkay na kanilang pinoproseso mula nang sumapit ang ikalawa hanggang ikaapat na linggo ng Marso.
Bukod dito, kahit hindi aniya taga-Pasay ay tinatanggap na rin nila.
Dahil sa dami ng cremation ay humiling na sila sa local government ng panibagong makina.
Facebook Comments