Skeleton workforce sa DND tuloy, mga nakasalamuha ni Defense Secretary Lorenzana pinag-isolate matapos itong magpositibo sa COVID-19

Pinapayuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha nitong mga nakaraang araw na mag-isolate at mag-RT-PCR test.

Ito ay matapos na magpositibo ito sa COVID-19 nang mag-RT-PCR test at lumabas ang resulta kahapon.

Ayon sa kalihim, sasailalim muna sya sa ilang araw na isolation batay na rin sa quarantine guidelines.


Pero magpapatuloy aniya ang skeleton workforce ng Department of National Defense para makapagbigay pa rin ng serbisyo lalo ngayong may pandemya.

Muli paalala naman ni Secretary Lorenzana sa lahat na mag-ingat dahil ang virus ay totoo.

Kinakailangan aniya na sumunod sa ipinatutupad na mga health protocols.

Facebook Comments