Pasay LGU at MMDA, magtutulungan upang makabili ng drainage nets para araw-araw na makolekta ang mga basura sa waterways

Plano na ng Pasay Local Government Unit (LGU) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumamit ng mga drainage net upang protektahan ang Tripa de Gallina pumping station na nakahimpil sa San Carlos Village, Pasay City.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, pinag-aaralan ngayon ng kanilang technical working group ang pagbili ng mga trash trap upang mailatag sa waterways sa Pasay.

Sa pamamagitan nito, araw-araw na makolekta ang mga basurang humahalo sa tubig baha.


Ani Abalos, taong 1976 pa nang itayo ang itinuturing na pinakamatandang pumping station sa Metro Manila.

Isasailalim din sa rehabilitasyon ang Tripa de Gallina pumping station sa pakikipagtulungan ng World Bank.

Ayon pa kay Abalos, dapat mapangalagaan ang Tripa de Gallina pumping station dahil ito ang pipigil sa pagbaha na maaaring umabot hanggang Makati City.

Ang mga makokolektang plastic waste ay dadalhin sa brick-making facility sa isa nilang flood control facilities upang gawing bricks, hollow blocks, concrete barriers at compost materials.

Facebook Comments