Pasay LGU, sinimulan na ang pagpapakalat ng mga inspections team na tutungo sa mga restaurant at fast food chains sa lungsod

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagde-deploy ng mga inspection team na tututok sa mga restaurant at fast food chains.

Ito’y para masiguro kung nakakasunod sila sa inilatag na health protocols.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, kabilang sa mga inspections team ay tauhan ng City Health Office (CHO), Pasay Philippine National Police (PNP), Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Office of the City Engineers.


Layunin din ng inspection team ng Pasay Local Government Unit (LGU) na malaman kung may pagkukulang ang mga nasabing establisyimento sa proper at minimum health standards.

Sinabi pa ng alkalde, kaya niya binuo ang inspection team ay upang masigurong ligtas sa COVID-19 ang mga nata-trabaho gayundin ang publiko, maging ang loob at labas ng mga fast food chain at restaurant.

Matatandaan na pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang unti-unting pagbubukas ng mga dine-in restaurants at fast food chains pero mayroon silang inilatag na guidelines sa minimum health protocol kung saan ang lokal na pamahalaan na ang bahala na magbantay at masiguro na nakakasunod sila rito.

Facebook Comments