Tiniyak ng pamunuan ng Pasay City Government na nagpapatuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pasay City.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginagawang contact tracing kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang barangay sa lungsod.
Paglilinaw pa ni Rubiano, gumaling na ang tatlong pasyente na nagpositibo sa Delta Variant base sa resulta ng genome sequencing ng Department of Health (DOH) na ngayon ay nanatili pa rin sa Isolation Facility.
Giit ng alkalde, nais nilang matiyak na hindi na kumalat pa sa lungsod ang Delta variant kaya’t ginagawa nila ang lahat ng mga paraan upang masigurong ligtas sa nakamamatay na virus ang mamamayan ng Pasay City.
Facebook Comments