Pasay, nakapagtala ng 103 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nadagdagan pa ng 103 ang naitatalang COVID cases sa Pasay.

Ito ay batay sa ulat ng Pasay City Information Office.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 16,058 ang COVID cases sa lungsod ng Pasay, sa bilang na ito 683 ang active cases.


May dalawang indibidwal naman ang naitalang nasawi dahil sa virus kaya umabot na sa 417 ang namatay sa Pasay dahil sa COVID.

Pero magandang balita dahil may 73 Pasayeno ang panibagong gumaling dahil sa COVID-19 kaya naman may 14,958 na total recoveries sa Pasay.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Pasay na patuloy silang gumagawa ng paraan para agad mapigilan ang pagdami ng kaso, ito ay sa pamamagitan ng aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, isolation and treatment at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Facebook Comments