
Pinaboran ng Commission on Elections o Comelec 2nd division ang disqualification petition laban kay Atty.Christian Sia na tumatakbong congressman ng Pasig City.
Kasunod ito ng kaniyang binitawang pahayag sa isang campaign rally na maaaring sumiping sa kaniya isang beses sa isang taon ang mga nalulungkot na single parent na may buwanang dalaw pa.
Bukod pa rito ang naging pahayag ni Sia sa body size ng kaniyang staff na babae.
Una nang sinabi ng Comelec na nakitaan si Sia ng paglabag sa mga resolusyon ng komisyon kabilang ang Anti Discrimination and Fair Campaigning Guidelines at omnibus election code.
Ayon sa Comelec, sakaling manalo si Sia at nakakuha ng pinakamaring boto, hindi agad ito maipoproklama kung wala pang pinal na desisyon sa kaniyang kaso.









