Pinakamataas na nasawi dahil sa aksidente, naitala noong 2023 —PSA

Naitala noong 2023 ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi dahil sa aksidente sa transportasyon sa kalsada.

Ayon sa PSA, aabot sa 13,125 ang nasawi dahil sa aksidente noong 2023 na pinakamataas sa loob ng isang dekada o 10 taon.

Paliwanag pa ng PSA na mas mataas ng 7.2% ang bilang na ito kumpara noong 2022 na naitala sa 12,240.

Mga edad 20 hanggang 24 na taong gulang ang kadalasang nasasawi sa aksidente mula 2010 hanggang 2023.

Bumababa naman ng husto ang bilang ng mga nasasawi sa aksidente noong 2020, kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Aabot naman sa 8,765 ang bilang ng mga nasawi o bumaba ng 31.3%.

Mula 2010 hanggang 2023, ang pinakamalaking bilang ng mga nasawi dahil sa aksidente ay naitala tuwing buwan ng Disyembre.

Ang Pangasinan naman ang may pinakamataas na naitala na bilang ng mga nasawi dahil sa aksidente sa kalsada.

Ang Nueva Ecija, Batangas, Cagayan, Isabela, Davao del Norte, at Camarines Sur naman ay kasama sa mga probinsya na may naitatalang mataas na bilang ng mga namatay dahil sa aksidente.

Mula 2010 hanggang 2019, Davao City ang nakapagtatala ng mataas na bilang ng namatay sa aksidente sa kalsada sa hanay ng highly urbanized cities.

Pero pagsapit ng 2020, pumangalawa na lang ito at naunahan na ng Quezon City.

Facebook Comments