Pasig City Council, inaprubahan ang Ordinansang magpapahiram ng pondo sa mga maliliit na negosyante at nawalan ng trabaho

Aprubado na sa Konseho ng Pasig City ang isang Ordinansang maglalaan ng pondo para financial assistance sa maliliit na negosyante at nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Councilor Ory Rupisan, Principal Author ng Ordinansa, malaking tulong ito sa mga maliliit na negosyante upang unti-unting makakarekober sa pagbagsak ng kanilang negosyo.

Paliwanag ni Rupisan ang programang ito ay tinatawag na ‘Tulong at Pampuhunang Ayuda sa Taga-Pasig’ o TAPAT kung saan makikinabang ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) at pati na rin ang mga nawalan ng trabaho.


Sa ilalim ng naturang Ordinansa, ang mga market vendor at mga nawawalan ng trabaho ay maaaring humiram ng hanggang ₱10,000 mula sa Pasig City Government at babayaran sa loob ng isang taon ng walang interest.

Giit ng opisyal, maaaring nila itong gawing puhunan, pandagdag puhunan o kaya’y pambili ng mga kagamitan para sa kanilang mga empleyado tulad ng Personal Protective Equipment (PPEs), dahil magiging requirement na ito sa kanila para makapag-bukas ng tindahan.

Facebook Comments