Pasig City DRRMO nagsagawa ng contact tracing kaugnay sa COVID-19 isyu

Nagsagawa na ng contact tracing ang Pasig City Disaster Risk and Reduction Management Office (DRRMO) para matukoy kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Pasig City DRRMO Chief Bryant Wong sinimulan na nila ang contact tracing sa pasyenteng nagpositibo ng COVID-19 na galing umano sa Japan at inaalam na rin kung sino ang mga nakasalamuha nito upang agad na magawan ng kaukulang lunas.

Paliwanag ni Wong mahalaga na malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng nagpositibo ng COVID-19 upang hindi na dumami pa ang mga mahahawan ng naturang virus.


Umapila rin si Wong sa mga residente ng Pasig na agad makipag ugnayan sa Health Department ng Pasig kung mayroon silang nalalaman na nagpositibo ng COVID-19 upang agad na magawan ng kaukulang aksyon.

Facebook Comments