Pasig City Government, inaantay pa rin ang listahan ng mga tatanggap ng Social Amelioration Card ng DSWD program.

 

Hinimok ni Pasig City Mayor Vico Sotto nag kanyang mga nasasakupan na panatilihing manalig  sa Diyos at tiwala nag alklade na  malalagpasan din natin ang lahat ng mga pagsubok laban sa COVID-19

Sa kanyang Facebook page sinabi ni Mayor Sotto na inaantay nalamang nila ang final list mula sa DSWD para sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Card habamg nakipagpulong siya sa lahat ng kanyang mga tauhan sa City Health Office at hospitals kasama ang The Medical City para pag-usapan ang Medical & Testing Protocols.

Namahagi rinang alkalde ng mga food coupons para sa public school students kung saan bibigyan ng  PHP 400 bawat  estudyante ng Pasig City at tuloy tuloy na pamamahagi ng mga relief grocery/food packs.


Giit ni Mayor Sotto, gagawan niya ng paraan ang mga hindi mabibigyan ng Social Amelioration Card ng DSWD upang hindi na lalabas pa nag mga ito  para maghanap ng pagkakakitaan pambili ng pagkain.

Facebook Comments