Pasig City government, magdadagdag ng kanilang vaccination site

Inihayag ng Pasig City government na ngayong araw, dalawang PinasLakas vaccination sites ang bubuksan nila bilang bahagi na rin ng kanilang pakikiisa sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19.

Ayon sa Pasig Local Government Unit na kabilang sa bubuksan ang Tanghalang Pasigueño at Lucky Gold Plaza na magbibigay ng primary dose sa lahat ng age group simula limang taong gulang pataas, first booster sa 12 taong gulang pataas at second booster sa mga nasa A1, A2 at A3 category na 18 taong gulang pataas.

Paliwanag ng LGU na ang kanilang bakuna na gagamitin ay ang Pfizer at Sinovac na gagamitin sa mga magpapabakuna.


Samantala, kasabay naman ng PinasLakas ang regular vaccination ng Pasig City.

Para sa schedule ng bakunahan, inaanyayahan ang mga Pasigueño na buksan ang link na makikita sa official Facebook page ng Pasig.

Sa link din na ito makikita kung ano-ano ang mga dapat dalhin para mabakunahan kontra COVID-19.

Dagdag na abiso naman para sa mga taga-Pasig, sinabi ng LGU na magkakaroon din ng roving vaccination sa mga komunidad kung saan ay nakatakda pa silang maglabas ng schedule dito.

Facebook Comments