INISYAL NA DANYOS SA SAKAHAN SA MANGATAREM DULOT NG BAGYONG KARDING, UMAABOT NA NG 3.8 MILYON

29
Umaabot na sa mahigit tatlong milyong piso ang halaga ng danyos sa sektor ng sakahan ang naapektuhan sa pagdaan ng bagyong Karding sa bayan ng Mangatarem.
Sa tala na inilabas ng Lokal na pamahalaan ng bayan, 3.483 milyong piso ang inisyal na danyos sa sakahan sa bayan.
Ito ay kinabibilangan ng 64.5 ektarya ng sakahan habang apatnapu’t walong mga magsasaka ang apektado.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang monitoring ng Municipal Agricultures Office kaugnay dito maging ng LGU upang matulungan ang mga kababayan na naapektuhan ng nagdaang bagyo. | ifmnews
Facebook Comments