Magsasagawa ang Pasig City government kaisa ng National COVID-19 Vaccination Operations Center ng National Pediatric Vaccination Days simula ngayong araw hanggang sa Miyerkules, January 10 – 12, 2022.
Ayon sa Pasig City Local Government Unit (LGU), dapat alamin ng mga residente kung aling vaccination sites ang magki-cater sa pagbabakuna ng mga menor de edad mula 12 – 17 taong gulang at kung sino ang kabilang sa pediatric population ang eligible mabakunahan ngayong National Pediatric Vaccination Days.
Pinayuhan ng LGU na dapat i-check kung ano ang mga dapat dalhin sa araw ng pagbabakuna at i-click ang link https://www.facebook.com para malaman kung sino ang mga kabilang sa A3-Pedia na kailangan ay by schedule pa rin ang pagbabakuna at kung ang mga menor de edad ay walang comorbidities o sakit na nakalista sa naturang link ay maaari na silang dalhin sa vaccination sites para magpabakuna.
Layunin ng pagdaraos ng National Pediatric Vaccination Days na mapalawig pa ang coverage o mas mapataas pa ang bilang ng mga menor de edad na nabakunahan kontra COVID-19.
Pinaalalahanan ng Pasig LGU na ang paglabas ng mga menor de edad para mabakunahan ay maituturing umano na essential travel ngayong nasa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) at umaabot na sa 28,707 ang mga tinamaan ng Omicron variant ng COVID-19.