Mahigit 60,000 naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City

53

Umakyat na sa 61,510 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City kung saan umaabot naman ng 58,169 ang mga gumaling habang nasa 1,869 ang active cases at 1,472 ang mga nasawi.

Ayon sa Pasig City Local Government Unit (LGU) ang naturang bilang ay base na rin sa official results at naberipika mula sa Department of Health (DOH) na mga kumpirmadong kaso na mga residenteng tinamaan ng COVID-19

Paliwanag ng Pasig LGU, dapat maging mapagmatyag ang mga residente at palagiang magsuot ng facemask at ipatupad ang Social Distancing upang maiwasan ang hawaan.


Hinikayat din ng Pasig LGU ang mga residente na manatiling vigilante at panatilihin ang pag-oobserbang minimum public health standards sa lahat ng oras para maiwasan na magkalat ng naturang virus.

Facebook Comments