Inihayag ng pamunuan ng Pasig City Government na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang libreng sakay para sa mga stranded na frontliners sa Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, patuloy ang pag-iikot ng kanilang sasakyan para sa mga frontliners na na-stranded sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Paliwanag ng alkalde, kailangan hindi mahuli sa kanilang papasukang hospital at opisina ang mga frontliners dahil mahalaga ang kanilang ginagampanang papel para sa ikaliligtas ng publiko mula sa COVID-19.
Giit ni Sotto, nalulungkot siya dahil problemado pa rin ang ilang manggagawang walang masakyan ngayon balik operasyon na ang karamihan ng establisyemento sa ilalim ng GCQ kaya’t gumagawa siya ng paraan upang ang mga frontliners sa Pasig City ay makapasok sa kani-kanilang tanggapan.