Pasig City Government, nagdagdag ng 200 contact tracers

Inihayag ng pamunuan ng Pasig City Government na nagdagdag na sila ng 200 contact tracers sa kabila ng hindi pa nila napasok ang lahat ng positive na may mild symptoms sa centralized quarantine facility.

Bukod dito ay nag-hire na rin sila ng karagdagang health staff.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kahit na nagkaroon sila ng backlog sa testing at tracing mula noong nag-General Community Quarantine (GCQ) ay puspusan ang kanilang trabaho upang ma-improve ang kanilang healthcare system capacity.


Pakiusap ng alkalde sa mga residente, kapag tinawagan umano sila ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) para sunduin papuntang centralized quarantine facility, dapat umanong makipag-cooperate dahil para na rin ito sa kanilang kapakanan.

Dagdag pa ni Sotto, ngayong linggo ay mayroon nang karagdagang bagong higaan na available sa centralized quarantine facility.

Facebook Comments